Tuesday, 13 January 2015

Mga Iba't-ibang Salawikain

Naririto ang ilang mga Salawikain na nang-galing pa sa mga ninuno natin noong unang panahon.

                                                            SALAWIKAIN
                                             

Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.

Kapag ang Buhay ang inutang, Buhay din ang magiging kabayaran.

Kung nasaan ang inahin asahan mo naandoon  din ang sisiw.

Kung hindi Ukol, Hindi Bubukol.

Matalino man ang Matsing napag-lalamangan din.

Naghangad ng Sobra, Isang salop ang nawala.

Ubos-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.

Ang tunay na kaibigan sa kagipitan ay nakikilala.

Ang matapat na kaibigan, Tunay na maaasahan.

Ang pag-aasawa ay hindi biro, hindi tulad ng kanin iluluwa kong mapaso.

Ang tao kapag-mayaman marami ang kaibigan.

Magkulang kana sa magulang, Huwag lamang sa Biyenan.

Nakikita ang Dumi sa mukha ng iba, Ngunit ang Dumi sa mukha niya hindi nya nakikita.

Kung gaano kataas ang Lipad, Ganun din ang lagapak pagbagsak.

Magsisi ka man sa huli, Wala na rin mangyayari.

Hangga't makitid ang kumot, Magtiis mamaluktot.

Kung binigyan ng Buhay, Bibigyan din ng ikabubuhay.

Habang may buhay, May pag-asa.

Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.

Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.

Kung nasaan ang Asukal, asahan mong naroon ang langgam.

Ang taong nagigipit, Kahit sa patalim ay kumakapit.

Mahaba man ang prusisyon sa simbahan din ang tuloy.

Huli man daw at magaling, Naihahabol din.

Ang tunay na kaibigan,karamay kailanman.

Ang lumakad ng mabagal, Kung matinik ay mababaw
Ang lumakad ng mabilis, Kung matinik ay malalim.

May tainga ang lupa, May pakpak ang balita.

Ako ang nagtanim, Iba ang umani.

Ako ang nagluto, Iba ang kumain.

Mag Alaga ka na ng matakaw, Wag lang magnanakaw.

Aanhin pa ang damo, Kung patay na ang kabayo..

Kung ano ang itinanim, Iyon din ang aanihin.

Ang bungang hinog kapag sa sanga kinuha, Matamis ang lasa,
Ang bungang hinog sa pilit, Kung kainin ay mapait.

Huwag gawin sa kapwa, Ang ayaw Mong gawin sa sarili mo.

Kung may hirap, May ginhawa.

Kung may saya, may Lungkot.

Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.

Bago mo batiin ang dungis ng ibang tao, Ang dungis mo muna ang tignan mo.

Ang walang pagod mag- ipon, Walang hinayang magtapon.

Kapag may isinuksok, May madudukot

Walang humawak sa lutuan na hindi naulingan.

Sagana sa puri, Dukha sa sarili.

Ang ibinabait ng bata, Sa matanda nagmumula

Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, Kailangan mo munang igayak ang sarili.

Magbiro kana sa Lasing, Huwag lang sa bagong gising.

Pagsasama ng tapat. Pagsasama ng maluwag.

Ang hindi tumupad sa sinabi, Walang pagpapahalaga sa sarili.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling WIKA, Malansa pa sa mabahong isda.

Ang maniwala sa sabi-sabi, Walang bait sa sarili.

Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa.

Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan.

Nawala ang ari, Ngyunit hindi ang lahi.

Kapag pinangatawanan, Sapilitang makakamtan.

Kung aakyat ka nga't mahuhulog naman, mabuting sa lupa'y mamulot na lamang.

Ano man ang gagawin, Makapitong iisipin.

Madali maging tao, Mahirap, Mahirap magpakatao.

Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.

Daig ng maagap ang taong masipag.

Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.

Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha.

Marami ang matapang sa bilang, Ngunit ang buong-loob ay iilan.

Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang.

ANg lakas ay daig ng paraan.

Ang tao na walang pilak, Parang ibong walang pakpak.

Ang katotohanan'y kahit na ibaon, Lilitaw at lilitaw  pagdating ng takdang panahon.

Ang malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.

Ang taong tamad, Kadalasa'y salat.








No comments:

Post a Comment